Siya yung lalaking nandiyan lagi para sakin. Yung lalaking sinasamahan ako kahit saan man ako magpasama.. O saan man ako magpunta. Siya yung tipo ng lalaking kahit wala siyang pera, kahit wala syang pamasahe, maglalakad siya ng pagkalayo layo para lang makita’t madalaw ako dito sa bahay. Nasasabihan ko siya sa lahat ng bagay. Kahit ano, nasasabi ko sa kanya kapag natatae ako, nauutot ako, naiihi ako, at marami pang iba. Nahihingan ko siya ng mga pabor na “Yham, pakitignan nga kung may tagos ako.”, “Yham bilhan mo nga ako ng napkin.” Wala eh. Wala na yung hiya. Kasi sobrang komportable na ko sa kanya.
Yung sa mga simpleng effort niya na bigla niya nalang ako dadalhan ng chocolates, ng ice cream, at ng kung anu-ano pang favorites ko. Kasi alam niyang gusto ko kainin yung mga yun.
Gusto niya lagi niya kong napapatawa, na kahit naiinis o nagtatampo na ako sakanya, kukulitin niya ko hanggat sa mawala yung inis ko. Sinasayawan niya ko. Kinakantahan niya ako. Siya yung boyfriend na, kapag naggagala kayo sa mall o kung san pa man, hindi niya hahayaang ikaw magbitbit ng bag mo, at ng mga pinamili niyo, tapos hindi niya bibitawan yung kamay mo. Sobrang masaya siya kasama. Kasama ko siya sa lahat ng kabaliwan naming dalawa.
Minsan, kahit pawis na pawis ako yayakapin niya ako tapos hahalikan, tapos sinasabi niya sakin na ang bango bango ko kahit pawis na pawis ako. Madalas niya rin paglaruan yung buhok ko. Kahit wala naman siyang matinong magawa dun, pinaglalaruan niya pa rin. Tapos saka susuklayan niya.
Ginigising niya rin ako sa umaga. Yun bang tulog ka sa kwarto mo.. Tapos mararamdaman mo may gumigising sayo. Pagmulat mo ng mata mo. Siya makikita mo. Babatiin ka ng “Goodmorning yham!” sabay halik sa labi mo kahit bagong gising ka palang.. At pagpunta nyo ng kusina. Aasikasuhin ka niya. Tapos ayun, maghapon na kayo nun magkasama.
Bago pa man niya sakin sabihin yung salitang “I love you”, napaparamdam niya na ng todo. Hindi siya nagsasawang mag picture picture kami. Parati niya kong sinasabihan ng maganda ako kahit alam niyang mahihiya ako sa kanya kapag sinabi niya yun sakin.
Well.. masasabi ko talaga na kuntento na ako sa kung sino'ng nakakasama ko ngayon. Sa totoo lang. Hindi ko maimagine yung sarili ko na kasama ibang lalaki. Kasi sa kanya ko lang nakikita yung sarili ko. Sobrang mahal na mahal ko siya. Yun bang pag naiisip mo palang na magkakahiwalay kayo, parang di mo na kaya. Marami na kaming napagdaanan, sobrang marami na. Kahit patakbo palang kami sa dalawang taon, at masaya ako dun kasi nalagpasan naming lahat nang yun. Kahit na parati kaming nag-aaway, masaya ako kasi sa huli, nagiging mas matatag pa rin kami.
Kahit kelan, hinding hindi ko siya ipagpapalit. I really love him, so much.
pakeemo:
dakilangboyyfriend:
Yung relationship na parang fairytale? Sayo ko lang mararamdaman yung totoong meaning ng love sa buong buhay ko. Tapos bago maging official na tayo, dadaan muna tayo sa maraming pagsubok, may mga taong tututol sa ating dalawa, manggugulo mga ex natin, yung mga kaibigan natin ayaw sa relasyong ‘to. Pero syempre di natin hahayaang kontrolin nila tayo, at diktahan kung sino yung pipiliin natin. Susundin natin yung gusto ng puso natin, kasi alam naman talaga natin na sa isa’t isa lang tayo masaya. Tapos nung naging tayo na parang naging okay na din ang lahat, dumaan yung mga araw, linggo, buwan, tayong dalawa padin yung magkasama. Hanggang di lang buwan yung binilang natin, taon na! Hanggang di natin namalayan, ang tagal tagal na pala nating magkasama. Halos lahat ng okasyon nandun kana, birthday, pasko, new year, birthday ng isa sa family ko nandun ka. Sabay tayo nangarap at nagplano sa mga future natin. Hanggang sa magkapamilya tayo, sabay tayong tatanda. Magkakaputing buhok na tayo, kukulubot na mga mukha natin, magkakaapo na tayo. Pero yung hindi nagbago sa atin ay yung damdamin natin para sa isat-isa. Na hanggang sa pagtanda natin, mahal padin natin yung isat-isa.